Most Essential Learning Competencies in ARALING PANLIPUNAN


Below is the set of the Most Essential Learning Competencies in Araling Panlipunan for the School Year 2020-2021. Simply click the DOWNLOAD button to get your direct copy.


Most Essential Learning Competencies
ARALING PANLIPUNAN

Naging batayan ng K-12 Araling Panlipunan Kurikulum ang mithiin ng “Edukasyon para sa Lahat 2015” (Education for All 2015) at ang K-12 Philippine Basic Education Curriculum Framework. Layon ng mga ito na magkaroon ng mga kakayahang kinakailangang sa siglo 21 upang makalinang ng “functionally literate and developed Filipino.” Kaya naman, tiniyak na ang mga binuong nilalaman, pamantayang pangnilalalaman at pamantayan sa pagganap sa bawat baitang ay makapag-aambag sa pagtatamo ng nasabing mithiin. Sa pag-abot ng nasabing mithiin, tunguhin (goal) ng K-12 Kurikulum ng Araling Panlipunan ang makahubog ng mamamayang mapanuri, mapagmuni, mapanagutan, produktibo, makakalikasan, makabansa at makatao na may pambansa at pandaigdigang pananaw at pagpapahalaga sa mga usaping pangkasaysayan at panlipunan.

Katuwang sa pagkamit ng layuning ito ay ang pagsunod sa teorya sa pagkatuto na kontruktibismo, magkatuwang na pagkatuto (collaborative learning), at pagkatutong pangkaranasan at pangkonteksto at ang paggamit ng mga pamaraang tematiko-kronolohikal at paksain/ konseptuwal, pagsisiyat, intregratibo, interdesiplinaryo at multisiplinaryo. Sa pagkamit ng nasabing adhikain, mithi ng kurikulum na mahubog ang pag-iisip (thinking), perpekstibo at pagpapahalagang pangkasaysayan at sa iba pang disiplina ng araling panlipunan ng mag-aaral sa pamamagitan ng magkasabay na paglinang sa kanilang kaalaman at kasanayang pang-disiplina. 

Ang Araling Panlipunan ay pag-aaral ng mga tao at grupo, komunidad at lipunan, kung paano sila namuhay at namumuhay, ang kanilang ugnayan at interaksyon sa kapaligiran at sa isa’t isa, ang kanilang mga paniniwala at kultura, upang makabuo ng pagkakakilanlan bilang Pilipino, tao at miyembro ng lipunan at mundo at maunawaan ang sariling lipunan at ang daigidig, gamit ang mga kasanayan sa pagsasaliksik, pagsisiyasat, mapanuri at malikhaing pag-iisip, matalinong pagpapasya, likas-kayang paggamit ng pinagkukunang-yaman, at mabisang komunikasyon. Layunin ng Araling Panlipunan ang paghubog ng mamamayang mapanuri, mapagmuni, responsable, produktibo, makakalikasan, makabansa, at makatao, na may pambansa at pandaigdigang pananaw at pagpapahalaga sa mga usapin sa lipunan sa nakaraan at kasalukuyan, tungo sa pagpanday ng kinabukasan.

8 comments:

Powered by Blogger.