BUDGET OF WORK in ESP (MELCs Based)

Here is the Budget of Work (BOW) prepared by and for the DepEd Region IV-A CALABARZON based on DepEd's Most Essential Learning Competencies (MELCs) in EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO. You may download this if you belong in the said region or you may also look into this as your guide.


BUDGET OF WORK in ESP

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao ay isa sa mga asignatura na isinusulong ng Kagawaran ng Edukasyon na naglalayon na linangin at paunlarin ang pagkataong etikal ng bawat Pilipinong mag-aaral. Ito ay nakabatay sa Pilosopiyang Personalismo at sa Etika ng Kabutihang Asal. Lubhang mahalaga at kailangan ang asignaturang ito upang turuan at hubugin ang mga mag-aaral sa pagpapasya at pagkilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat. Nagsisilbi itong gabay sa payapa at maunlad nilang pamumuhay.

Ang tunguhin o ”outcome” ng pag-aaral sa batayang edukasyon ay ang panlahatang pag–unlad taglay ang mga kasanayan sa ika–dalawampu’t isang siglo. Taglay ito ng isang mag-aaral kung mayroon siyang mga kakayahang pangkaalaman, pandamdamin at pangkaasalan na magbibigay sa kanya ng kakayahan upang mamuhay at magtrabaho; malinang ang kanyang mga potensiyal; magpasiya nang mapanuri at batay sa impormasyon; makakilos nang epektibo sa lipunan at pamayanan sa konteksto ng sandaigdigan upang mapabuti ang uri ng kanyang pamumuhay at ng kanyang lipunan (CG, 2016).

Hinuhubog sa asignaturang ito ang limang pangunahing kakayahan (macro skills): pag-unawa, pagninilay, pagsangguni, pagpapasya at pagkilos upang magabayan ang mag-aaral na mahanap ang kabuluhan ng kanyang buhay at magampanan ang mahalagang papel sa pagtatayo ng pamayanang pinaiiral ang kototohanan, kalayaan, katarungan at pagmamahal.

Ang mga sumusunod ay ang apat na pangunahing kakayahang nililinang sa bawat antas at markahan sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP): Unang Markahan–Pananagutang Pansarili at Mabuting Kasapi ng Pamilya, Ikalawang Markahan-Pakikipagkapwa-tao, Ikatlong Markahan-Paggawa Tungo sa Pambansang Pagunlad at Pakikibahagi sa Pandaigdigang Pagkakaisa at Ikaapat na Markahan-Pananalig at Pagmamahal sa Diyos at Paninidigan sa Kabutihan. Ito ay nakabatay sa pagkakasunud-sunod ng paksa sa iba pang asignatura sa kurikulum.

Upang matugunan ang maayos na daloy ng paglinang ng kaalaman at kasanayan ng mga bata tungo sa pagkamit ng tunguhin ng ESP, ang sangay ng rehiyon ay gumawa ng badyet ng mga aralin. Ang Badyet ng mga Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao ay ginawa upang mabigyan ang mga guro ng madaling paraan ng pagsasakatuparan ng pamantayang pagkatuto at mapagaan ang sistema ng pagtuturo na hango sa gabay pangkurikulum. Ito ay balangkas ng mga aralin hango sa pinaunlad na programa ng Batayang Edukasyon na K to 12 na gagabay at huhubog sa mga mag-aaral. Kasabay nito ang pagsasaalang-alang sa tunguhin na ang mga mag-aaral ay nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat.

Ito ang tugon sa pangangailangan ng mga guro sa pagtuturo ng Edukasyon sa Pagpapakatao(EsP). Magsisilbi itong mahalagang kagamitan at patnubay sa  kanilang pagtuturo na magbubukas ng kanilang malikhaing kaisipan sa pagpaplano ng mga makabuluhang gawain upang patuloy na linangin at isagawa ng bawat mag-aaral ang pagiging Maka-Diyos, Makatao, Makakalikasan at Makabansa.

Ang PIVOT 4A Badyet ng Aralin ay magiging matibay na batayan sa pagkuha ng datos ng akademikong pagganap ng mga mag-aaral. Ito rin ang magsisilbing gabay ng mga kinauukulan sa pagpaplano ng kinakailangang interbensyon sa susunod na markahan.

7 comments:

Powered by Blogger.