BUDGET OF WORK in KINDERGATEN (MELCs Based)

Based on DepEd's Most Essential Learning Competencies (MELCs) in Kindergarten, here is the Budget of Work (BOW) prepared by and for the DepEd Region IV-A CALABARZON.


BUDGET OF WORK in KINDERGARTEN

Katangian ng Kindergarten (Tampok sa Kindergarten)

Ang mga mahahalaga at makabuluhang bagay na dapat matutunan sa buhay ay nagsisimula sa mga musmos na mag-aaral o yung nasa antas ng Kindergarten kung saan ito ang pundasyon ng pagkatuto. Ayon sa pananaliksik, ang kritikal na yugto sa pag-unlad at paglagong pangkaisipan ay nagsisimula sa mga batang mula sa 0-8 taon ang edad. Ito rin ang panahon kung saan ang mga bata ay higit na maliwanag ang kaisipan at handa sa pagkatuto. Ayon sa pag-aaral, napatunayan na ang maagap at maagang pagtugon sa edukasyon ng mga magaaral habang nasa murang edad pa lamang ay mas malaki ang posibilidad ng pagunlad sa pagkatuto na madadala nila hangang sa kanilang paglaki. Kung kaya’t ang pangunahing yugto (Key Stage 1) sa pagkatuto na kinabibilangan ng mga magaaral sa Kindergaten ang pinakamahalagang bahagi ng pag-unlad ng pagkatuto ng isang mag-aaral.

Sinususugan ito ng nakasaad sa Seksiyon 2 ng RA 10157 na ang Edukasyon sa Kindergarten ay mahalaga sa pag-unlad ng bahaging akademiko at teknikal ng isang batang Filipino. Ito ang panahon kung saan sa murang gulang ng mga magaaral ay naroon ang sukdulang pang-unawa at mabilis na pagkatuto.

Ang mga pambansang batas ay isinakatuparan para bigyang patunay ang ganitong ideya katulad ng RA 10157 or Kindergarten Education Act (2011) at RA 10533 or Enhanced Basic Education Act (2012) na tahasang nagpapahayag ng pagkakaroon ng Kindergarten bilang unang hakbang sa edukasyon, kalakip ang mga layunin at mga istratihiya sa pagpapatupad nito.

Makalipas ang ilang taon ay inilabas ang DO 47 s. 2016 o ang tinatawag na Omnibus Policy Kindergarten on Education kung saan maliwanag na nasasaad dito ang pagpapatupad ng edukasyon sa Kindergarten kalakip ang pangkalahatang paglalarawan sa itinakdang kurikulum na dapat sundin ng pribado at pampublikong paaralan.

Ang paaralan sa tulong ng bawat pamilya at komunidad ay inaasahan na magtutulong-tulong at magkaisa upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral at upang higit na mapaunlad ang programa sa edukasyon ng Kindergarten. Ang pangunahing layunin ng programang ito ay ang lahat ng limang taong gulang na mga mag-aaral ay makamit ang mga nararapat na pamantayan at kakayahan na inaasahan sa kanilang edad sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kanilang pinagmulan, kultura, mga nakagisnang kaalaman at karanasan, kakayahan, ugali, katangian at interes o kinagigiliwan (Sec. IV, DO 47, s. 2016). Ang programa para sa edukasyon ng Kindergarten ay pinagtibay din ng konsepto/prinsipyo na nasasaad sa National Early Learning Framework (NELF) na tumutugon sa pilosopiya at teoretikal na pundasyon sa pagtuturo at pagkatuto sa murang gulang pa lamang na tumutukoy sa paglago at pag-unlad ng musmos na mag-aaral ng naayon sa itinakdang programa sa pag-unlad at pagtatasa ng pagkatuto.

Ang PIVOT 4A ay isang natatanging programa ng rehiyon bilang pagtugon at pagsuporta sa Sulong Edukalidad na programa ng Kagawaran ng Edukasyon na naglalayon na mapaunlad ang kalidad ng edukasyon sa mababang antas. Layunin nito na maihanay ang pokus at interbensiyon na tutugon sa programa ng wastong pagmamapa ng kurikulum at pag-aanalisa ng mga nararapat na kakayahan para sa mga mag-aaral. Ang pangunahing layunin ng programang ito ay ang pagbuo ng Budget of Work (BOW) para sa iba’t ibang asignatura mula sa Kindergarten hanggang sa Baitang 12. Ang Kindergarten, bilang unang hakbang sa pormal na edukasyon sa mababang antas ay inaasahang ipatutupad sa lahat. Nagkaroon ng gabay na kurikulum upang mabigyan ng pagkakataon ang mga guro na maunawaan kung ano ang mga kasanayan na dapat maituro sa bawat linggo at bawat kwarter. Ang National Kindergarten Curriculum Guide (NKCG) ang nagsisilbing basehan upang mabuo ang PIVOT 4A Budget of Work (BOW) para sa Kindergarten.

Nakasaad dito ang pitong saklaw ng paglago o pag-unlad (developmental domains) at ang mga ito ay ang mga sumusunod: Pagpapaunlad ng Sosyo- Emosyunal at Kakayahang Makipamuhay (Socio-Emotional Development), Kagandahang Asal (Values Development) , Kalusugang Pisikal at Pagpapaunlad sa Kakayahang Motor (Physical Health & Motor Development), Sining,(Aesthetic/Creative Development) Matematika (Mathematics), Pag-unawa sa Pisikal at Likas na Kapaligiran (Understanding of the Physical and Natural Environment) at Wika, Literasi at Komunikasyon (Language, Literacy, and Communication).

Ang mga bata ay patuloy na umuunlad sa bawat saklaw sa panlahatang paraan. Ang paglago sa bawat isang saklaw ay nasasalamin sa iba pang mga kaugnay na saklaw na nagdudulot ng magandang epekto. Ang bawat saklaw sa pag-unlad ay naglalaman ng mga inaasahang pagkatututo. (DO 47 s, 2016). Ang bawat saklaw ng pag-unlad ay inaasahan na matututuhan, maipakikita, mailalarawan at mapapalago ng isang limang taong gulang na bata.

No comments

Powered by Blogger.