BUDGET OF WORK in MOTHER TONGUE (MELCs Based)

Here is the Budget of Work (BOW) prepared by and for the DepEd Region IV-A CALABARZON based on DepEd's Most Essential Learning Competencies (MELCs) in Mother Tongue. You may download this if you belong in the said region or you may also look into this as your guide.


BUDGET OF WORK in MOTHER TONGUE

Tampok sa MTB-MLE

Ang PIVOT 4A Budget of Work (BOW) sa MTB-MLE ay isang resource material para sa pagtuturo ng naturang asignatura na naglalaman ng mga kompetensi o kasanayan sa pagkatuto ng K to 12 Curriculum. Nakasaad din ang mga domains at mga bilang ng araw na nakalaan sa bawat pangkat ng kompetensi na pinagsamasama. Ang bawat kwarter ay mayroong apatnapung (40) araw na may kabuoang dalawang daan (200) araw sa buong taong aralan.

Nilalayon nito na matulungan ang mga guro na magkaroon ng malinaw na paglalaan ng mga gawain sa bawat araw upang maiwasan ang pagkalito. Sa pamamagitan ng BOW, matitiyak na ang lahat ng kompetensi ay maituturo ng guro sa kanilang mga mag-aaral batay sa nakatakdang panahon. Magagabayan din nito ang mga guro sa pagpaplano ng mga angkop na estratehiya sa pagtuturo at paghahanda ng mga gawain para sa mga mag-aaral.

Ang MTB-MLE ay may labindawlawang (12) domains, ito ay ang mga sumusunod: Oral Language (OL), Phonological Skills (PA), Book and Print Knowledge (BPK), Phonics and Word Recognition (PWR), Fluency (F), Composing (C), Grammar Awareness (GA), Vocabulary and Concept Development (VCD), Listening Comprehension (LC), Reading Comprehension (RC), Attitude Towards Reading (ATR) at ang Study Skills (SS). Ang mga domain at ang mga kompetensi o kasanayan sa pagkatuto ay nakalimbag sa English na naging basehan ng Budget at Work (BOW) at dahil tayo nasa Rehiyon IVA-CALABARZON ang ating Medium of Teaching and Learning (MOTL) o Medium of Instruction (MOI) ay Tagalog at iyon ang inaasahang gamitin ng mga guro sa pagtuturo.

1 comment:

Powered by Blogger.