Facebook Messenger para sa Online Class or Meeting
Bilang paghahanda sa new normal at sa nalalapit na pagbubukas ng klase sa ika-24 ng Agosto, isa sa mga kinakailangang alamin ng mga guro ay ang paggamit ng iba't ibang teknolohiya upang maisakatuparan ang pagbibigay ng kaalaman sa ating kabataan sa panahong ito.
Marami sa ating mga ka-guro ang gumagamit na ngayon ng Google Meet, Zoom, at iba pang platform para sa kanilang mga online meetings at bilang paghahanda na rin sa tinatawag na online class. Ngunit alam mo ba na hindi lamang ang mga ito ang maaari mong gamitin?
Ang Facebook Messenger ay isa sa mga pinaka-kilalang online platform pagdating sa online communication. At alam mo ba na maaari mo na rin itong gamitin ngayon tulad ng paggamit mo sa Google Meet at Zoom? Ang maganda pa dito ay hindi mo na kailangan pang ipa-download ito dahil nasa mismong messenger na mismo ang option upang makapagsimula ka ng Online Meeting or Class.
Upang mas malinaw ninyong maunawaan kung paano ito gawin, narito ang video tutorial mula sa Youtube Channel ni Sir Mikko Hermosura. Mag-subscribe na rin sa kanyang channel para sa mas marami pang educational tutorials and videos. (Subscribe Here)
FREE DOWNLOAD: Instructional Materials, Learning Materials, Reading Materials
No comments